|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Youth Ministers ng Maynila, nagtipon sa Palawan
HIGIT sa isang daang mga lider ng mga kabataan sa Metro Manila ang nagsama-sama sa tatlong araw na pagpupulong sa Puerto Princesa, Palawan hinggil sa Bagong Ebanghelisasyon.
Natipon ang mga delegado sa Holy Trinity University sa pinakapuso ng lungsod.
Sa gitna ng mga eskandalong nagaganap sa bansa, sinabi ni Peter Pardo, NCR Regional Youth Coordinator na layunin din nilang lahukan ng ebanghelisasyon ang daigdig ng politika.
Liban sa pagdiriwang ng "Year of the Laity," layunin nilang ipabatid sa mga kalahok ang kanilang magagawa sa Simbahan at sa lipunan.
Kabilang sa nagsalita si Vice Governor Dennic N. Socrates sa paksang "Kabataang May Pananagutan, Bayani ng Bayan." Ipinagtanggol niya ang pro-life position noong kainitan ng mga debate sa House of Representatives. Si Socrates ang congressman mula sa ikalawang distrito ng Palawan.
Pinagsalita rin nila sa Cheryl Cosim ng TV5 News hinggil sa pagpasok sa media upang mapalawak ang ebanghelisasyon.
Pinamunuan ni Puerto Princesa Bishop Pedro Arigo ang Misa kasama si Bishop Leopoldo Jaucian, chairman ng Episcopal Commission on Youth
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |