![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Pilipinas, nagbabantay sa magaganap sa Thailand; Alert Level sa Libya, itinaas na rin
MASUSING binabantayan ng Pamahalaan ng Pilipinas ang nagaganap sa Thailand. Ito ang buod ng pahayag ni Assistant Secretary Charles Jose, tagapagasalita ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas na ipinamahagi sa mga mamamahayag kaninang umaga.
Ayon sa naunang pahayag ng ASEAN Foreign Ministers, ang Pilipinas ay kasama sa mga nagnanais magkaron ng payapang pagtatapos ang nagaganap ngayon sa Thailand.
Umaasa rin ang Pilipinas na makababalik sa normal ang kalagayan ng bansa na mayroong pagpapahalaga sa mga demokrasya, paggalang sa batas at pagkilala sa kabutihan ng kanilang mga mamamayan.
Pinayuhan ang mga Filipino sa Thailand na laging dalhin ang kanilang mga identification documents tulad ng pasaporte at sumunod sa security instructions mula sa mga autoridad. Kailangan ang ibayong pag-iingat.
Ito ang mga ipinayo ng Embahada ng Pilipinas sa Bangkok dahilan sa krisis na naganganap ngayon dulot ng coup na idineklara ng militar.
Mayroon umanong curfew mula ika-sampu ng gabi hanggang ika-lima ng umaga. Manatiling nasa kanilang tahanan sa pagkakaroon ng curfew. Umiwas sa mga walang halagang paggalaw at pagkilos sa Thailand. Kailangan ding sumunod sa mga instructions ng kinauukulan, magdala ng kanilang mga identification documents sa lahat ng oras at tumawag kaagad sa embahada kung magkakaroon ng anumang emergency.
Magugunitang nagdeklara ng coup si Army chief General Prayuth Chan-ocha matapos magdeklara ng martial law. Kailangan umanong ibalik ang kaayusan sa bansa at isulong ang mga reporma matapos ang anim na buwang kaguluhan.
Suspendido ang Saligang Batas at ilang politiko ang nabimbin. Ipinatawag ng militar ang dating prime minister, si Yingluck Shinawatra at 22 iba pa, kabilang na ang mga kamag-anak at mga ministro ng napatalsik na pamahalaan.
Sa pinakahuling balita, itinaas ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang Alert Level sa Libya mula sa Alert Level No. 1 o kilala sa katagang precautionary phase ay ginawa na itong Alert Level 2 na nangangahulugan ng restriction phase.
Itinaas ito sa rekomendasyon ng Embahada ng Pilipinas sa Tripoli dahilan sa patuloy na paglala ng political at security situation sa bansa.
Pinayuhan ang mga Filipino sa Libya na nawasan ang kanilang non-essential movements at umiwas sa matataong pook at maghanda na rin sa posibleng paglilikas.
Sa ilalim ng Alert Level 2, ang Department of Labor and Employment ay pumapayag lamang sa mga manggagawang saklaw ng mga kontrata o mga balik-manggagawa matapos ang kanilang bakasyon sa Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |