|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pilipino, nahatulan ng parusang kamatayan dahil sa pag-eespiya
ISANG Filipino ang nahatulang mamatay noong nakalipas na Miyerkoles, ika-30 ng Abril ng isang hukuman sa Qatar.
Ayon kay Assistant Secretary Charles Jose, napatunayang nagkasala ang Filipino ng pag-eespiya at economic sabotage. Ang nahatulan ng parusang kamatayan ay nagtatrabaho sa isang kumpanyang pag-aari ng pamahalaan samantalang ang dalawang iba pa ay mga technician sa isang base militar at nahatulang mabilanggo ng habangbuhay sa parehong usapin.
Ang abogadong tumulong sa kanila sa pagdinig ang naglunsad ng "appeal" sa Court of Appeals ng Qatar noong ika-apat ng Mayo
Idinagdag ni G. Jose na magpapatuloy ang pagtulong sa mga nahatulan hanggang kailangan ang ayuda ng pamahalaang Pilipino. Hindi pinangalanan ng DFA ang mga nahatulan ng hukuman sa Qatar.
Sa datos ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ng Pilipinas noong 2012, higit sa 80 mga Filipino ang nahaharap sa parusang kamatayan sa iba't ibang bansa. Karamihan ang nahatulan ng kamatayan dahil sa drug trafficking sa Tsina samantalang ang iba pa ay paglabag sa mga batas sa Gitnang Silangan.
(Sa pangyayari sa Qatar), nabatid na ang mga sentensyado ay napatunayang nagkasala ng pagpapasa ng military at economic secrets sa Pamahalaan ng Pilipinas.
Isa umanong tinyente sa Pilipinas na nagtatrabaho bilang budgeting and contracting supervisor sa isang malaking kumpanyang pag-aari ng pamahalaan samantalang ang dalawa ay techinicians sa Qatar Air Force.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |