Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Brodkaster, napaslang sa Digos City

(GMT+08:00) 2014-05-23 18:59:54       CRI

Mas malawak ang pinsalang idinudulot ng mga kalamidad ngayon

MAS MALALAKI ANG PINSALA NG MGA KALAMIDAD NGAYON.  Ito ang sinabi ni Bb. Rachel Kyte, Group Vice President ng World Bank at Special Envoy on Climate Change sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag kanina.  Kailangan ang pagtutulungan ng pamahalaan at lipunan upang maibsan ang pinsalang idudulot ng mga kalamidad na nag-uugat sa pagbabago ng klima, dagdag pa ni Bb. Kyte.  (Melo M. Acuna)


SINABI ni Bb. Rachel Kyte, Group Vice President and Special Envoy ng World Bank na ang mga trahedyang nagaganap ngayon ay maka-apat na ulit ang pinsalang idinudulot sa mga mamamayan kaysa mga kalamidad na naganap may 30 taon na ang nakalilipas.

Sa idinaos na press briefing sa Manila Peninsula Hotel kanina, sinabi ni Bb. Kyte na marapat suriin ang epekto ng mga pagbabago sa klima sa hanapbuhay at kabuhayan ng mga naninirahan sa mga pook na kinikilalang higit na mapanganib.

Dalawa umano ang maaaring gawin ng World Bank sa climate change. Una ang pagbabawas ng magiging epekto nito sa mga komunidad at ang pangalawa ay pagtustos upang higit na maging matatag ang mga gusali at pagawaing bayan,

Isa umano sa mga halimbawa ng hapugit ng panahon ay ang naganap sa Central Philippines noong Nobyembre sa pananalasa ni "Yolanda." Ipinaliwanag niyang nakita niya ang dalawang gusali na magkahalintulad ang disenyo subalit isa ang napinsala at isa ang nanatiling nakatayo at napakinabangan ng madla.

Ipinaliwanag ni Bb. Kyte na kahit iisa ang disenyo ay magkaiba ang materyales na ginamit sa pagtatyo ng mga gusali.

Malaki ang posibilidad na magbago ang panahon at maka-apekto sa buhay at hanapbuhay ng mga mamamayan. Inihalimbawa niya ang pagtaas ng temperature ng may dalawang degree(s) sa panahon pagsapit ng 2030s. Nagkataon nga lamang na mangangailangan ng ibayong pagsusuri at pag-aaral sa iba't ibang bahagi ng daigdig.

Mayroon ding angkop na uri ng palay na mabubuhay sa panahon ng tag-init at pagbaha. Mapalad umano ang Pilipinas sapagkat nasa Laguna ang International Rice Research Institute na patuloy sa pananaliksik.

Ayon kay Bb. Kyte, ang mga pananaliksik ng IRRI ay "publicly funded" kaya't walang sinumang makapagsasabi na kanilang pag-aari ang mga natuklasang uri ng palay.

Sa mga nagaganap ngayon, ang mga nagbabalak ng mga palatuntunan sa pamahalaan ay isinasama na rin ang pagbabago sa klima sa kanilang mga paghahanda o projections.

Sa panig ni Ousmane Dione, Sector Manager for the Philippines sa World Bank, marapat ding suriin kung anong mga pananim ang nararapat alagaan at asahan ng pagkakakitaan ng mga magsasaka. Ang mga pook na hindi tinatamaan ng mga kalamidad ay unti-unti ng naapektuhan tulad ng ilang bahagi ng Mindanao. Magugunitang lubhang napinsala ang sagingan sa Davao at Compostela Valley. Noong humagupit si "Yolanda" ay mga niyugan naman sa Central Philippines ang apektado ng pagbabago sa panahon.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>