|
||||||||
|
||
Ulat ni Melo 20140605
|
Mga tinanggihan ng Commission on Appointments, mahihirang na muli
SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na buo ang kanyang pagtitiwala kina Kalihim Leila de Lima ng Kagawaran ng Katarungan, Kalihim Ramon Paje ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas Yaman at Kalihim Corazon Juliano Soliman ng Kagawaran ng Kagalingang Panglipunan at Pagpapaunlad.
Sa isang panayam sa mga mamamahayag sa Manila Diamond Hotel, sinabi ni Pangulong Aquino na may tiwala siya sa kanilang tatlo at naniniwala siya na nape-personal na ang mga kalihim laban sa lehitimong pagtutol.
Magugunitang hindi pinalusot ang tatlo sa ginawang pagdinig ng Commission on Appointments kahapon.
Sa kabilang dako, sinabi ni Pangulong Aquino na walang anumang pakikialam na ginawa ang ehekutibo sa Commission on Appointments sapagkat nakikipagtulungan naman sila sa bawat pagkakaraong ipinatatawag ang mga kalihim sa anumang pagdinig.
Naniniwala pa rin siya na makakalusot ang tatlong kalihim sa pagsusuri ng Commission on Appointments. Sa karaniwang tao, lalalabas na tila mayroong nakukubling galit ang mga hindi sang-ayon sa mga nahirang na cabinet members.
Idinagdag pa ni Pangulong Aquino na (sana'y) maging isyung lehitimo ang basehan ng pagtutol at hindi personal na galit o sama ng loob.
Samantala, malaki pa rin ang tiwala ni Pangulong Aquino kay Budget Secretary Florencio Abad sa likod ng panawagan ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na magbitiw na sa kanyang posisyon matapos lumabas ang kung anu-anong kwento.
Sa press conference pa rin sa Manila Diamond Hotel, sinabi ni Pangulong Aquino na marami nang akusasyon subalit naroon pa rin ang presumption of innocence at kailangang maglabas ng pruweba na magpapatotoo sa mga akusasyon.
Sa isyu na ginamit ang Batanes Electric Cooperative bilang padaluyan ng salaping mula sa Priority Development Assistance Fund, sinabi ni Pangulong Aquino na wala umanong natagpuan ang Commission on Audit na nagkaroon ng P 10 milyon mula sa pork barrel. Wala rin umanong record na natagpuan sa Department of Budget and Management, dagdag pa ni Pangulong Aquino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |