|
||||||||
|
||
Pilipinas at Australia, magkabalikat sa proyektong pang-edukasyon
PINALALAKAS ng Pilipinas at Australia ang kanilang pagtutulungan upang mapataas ang antas ng basic education sa pagbibigay sa mga mag-aaral ng ligtas na mga paaralan.
Pinamunuan nina Australian Ambassador to the Philippines Bill Tweddell at Education Secretary Bro. Armin Luistro ang ceremonial turn-over ng dalawang apat na silid na gusali sa San Isidro Elementary School sa Magalang, Pampanga.
Sinabi ni Kalihim Luistro na kabalikat na ang pamahalaan ng Australia sa larangan ng edukasyon sa nakalipas na dalawang dekada. Nagpasalamat siya sa patuloy na pagtulong ng Australia sa sektor ng edukasyon sa Pilipinas. Pinakikinggan umano ng Australia ang mga pangangailangan ng kagawaran.
Idinagdag pa niya na ang pagkakaroon ng ligtas at matibay na kapaligiran para sa mga guro at mga mag-aaral ay prayoridad ng Kagawaran ng Edukasyon. Makakatulong ang lahat sa pagkakaroon ng malinis at matatag na mga gusali para sa mga kabataan.
Ang Australian Government ang nagbogay ng P 984 milyon o A$ 24.6 milyon upang suportahan ang School Building Program for Basic Education ng Kagawaran. Magkakaron ng may 660 silid-aralan sa Region 3 (Gitnang Luzon) at Region 4-A (CALABARZON) na pakikinabangan ng mgay 29,000 mga mag-aaral.
Itinataas din ng Australia ang antas ng standards at business processes sa mga itinatayong silid aralan kasama na ang procurement at financial management.
Sa panig ng Australia, sinabi ni Ambassador Tweddell na naniniwala rin sila na masusugpo ang kahirapan sa pamamagitan ng may-uring edukasyon sapagkat lalago ang ekonomiya ng bansa.
Idinagdag pa niya na sa pagpasok ng mga kabataan sa paaralan, matututo sila. Sa ganitong paraan, makakatulong ang Australia sa pagtiyak na magkakaroon ng pagbabago sa bilang ng mahihirap sa bansa.
Kabilang sa mga gusaling itinatayo nila ang pagkakaroon ng maayos na daan para sa mga taong may kapansanan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |