|
||||||||
|
||
Mataas na opisyal ng European Union, dumating sa bansa
DUMALAW sa Tacloban City si European Union Commissioner Kristalina Georgieva Djust at nakipag-usap sa mga punonglalawigan, lungsod at bayan upang mabatid kung anon a ang naganap na programa upang makabawi ang mga biktima ni "Yolanda."
Si Georgieca ang nangangasiwa sa International Cooperation, Humanitarian Aid at Crisis Response ng European Union. Kasama niya sa pagdalaw ang iba pang mga opisyal ng mga bansang mula sa Europa.
Nakausap nila sina Governor Leopoldo Dominico Petilla ng Leyte at mga punonglungsod at bayan na sina Alfred Romualcez, Remedios Petilla at Pelagio Tecson. Dadalaw din sila sa Barangay Sirab, Dagami, Leyte upang makausap ang mga biktima na nasa isang pasilidad na tinustusan ng European Union.
Nakatakda rin siyang magsalita sa Asia-Europe Meeting Conference on Disaster Risk Reduction and Management. Makakadaupang-palad din niya si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III upang pagusapan ang mga paraan sa pagpapalalim ng relasyon ng EU at Pilipinas.
Sa kanilang panawagan, umabot ang pondong nalikom sa halagang € 740 milyon o P 44.4 bilyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |