|
||||||||
|
||
Higit sa 200 libong pabahay kailangan ng mga nasalanta
SINABI ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na nabatid na ng pamahalaan ang bilang ng mga tahanang kahilangan ng mga nasalanta ng bagyong "Yolanda" noong nakalipas na Nobyembre.
Ito ang kanyang pahayag sa idinaos na Welcome Dinner para sa mga kalahok sa Asia-Europe Meeting Manila Conference on Disaster Risk Reduction Management kagabi. Idinagdag pa ni G. Binay na may200ng 120,000 housing units ang nakatakdang masimulan ngayong taon. Ang nalalabing 94,367 units ay itatayo sa susunod na taon.
Ipinaliwanag pa niya na sa sunog na naganap noong isang linggo sa isang tolda sa Tacloban City higit na tumingkad ang pangangailangang madaliin ang pagbibigay ng permanent shelter sa mga nakaligtas sa bagyo at daluyong.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni G. Binay na ang trahedyang naganap noong nakalipas na linggo sa isang tolda sa Tacloban City ay nakalulungkot at higit na naghatid ng pangamba at pagdadalamhati sa mga nakaligtas.
Pinuri ni G. Binay ang pagtutulungan ng iba't ibang sektor na naglalayong makapagbigay ng matitibay na matitirhan tulad ng nagaganap sa Tanauan, Tacloban at Ormoc sa Leyte na nagkaroon na ng 6,670 pamilya ang nakinabang.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |