|
||||||||
|
||
Mga taga Diocese of San Carlos, nagbunyi sa pagkakahirang ng bagong Obispo
IKINALUGOD ng simbahan sa Diocese of San Carlos sa pamumuno ni Bishop Gerardo A. Alminaza at ng mga kaparian, mga relihiyoso, mga madre at mga layko ang pagkakahirang ng isa nilang kababayan, si Msgr. Patrick Daniel Y. Parcon bilang Obispo ng Talibon, Bohol.
Ang bagong obispo ay isinilang sa Vallehermoso, Negros Oriental noong ika-24 ng Nobyembre 1962. Siya ang ikapito sa siyam na magkakapatid nina Ambrocio Parcon at Obdulia Yee na kapwa na yumao. Nag-aral si Msgr. Dan sa Macario Espanola Memorial School sa Kanlaon City at nagtapos ng high school sa Silliman University High School samantalang nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Chemistry sa Silliman University.
Pumasok siya sa St. Joseph Seminary College sa Dumaguete at nagtungo sa St. Joseph Regional Seminary sa Iloilo City para sa theological formation.
Ayon sa balitang mula kay Fr. Mickey Cardenas, bumalik sa Pilipinas si Msgr. Dan noong 2007 at nahirang na Rector ng St. John Mary Vianney Seminary ng Diocese of San Carlos. Siya rin ang Director ng Marriage and Family Life Apostolate sa diyosesis.
Naglingkod din siya bilang Diocesan Administrator mula ng mahirang si Bishop Jose F. Advincula bilang Arsobispo ng Capiz mula Enero ng 2011 hanggang sa mahirang si Bishop Gerardo Alminaza noong nakalipas na Nobyembre 2013.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |