|
||||||||
|
||
BPOs nanatiling matatag noong 2012
NAKITA ang katatagan ng Information Technology-Business Process Outsourcing services industry noong 2012 ayon sa ginawang Survey of Information Technology – Business Process Outsourcing Services na ginawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ang mga kinita ng industrya ay nanatiling double-digit kahit pa bumaba at umabot sa 11.4% kung ihahamboing sa 20.1% na naitala noong 2011. Ang buong revenues ng industriya ay umabot sa US$ 13.5 bilyon noong 2012 mula sa US$ 12.1 bilyon noong 2011.
Ang lahat ng sub-sector tulad ng contact centers, transcription, animation, software development at iba pang BPOs ay nagkaroon ng positive growth rates sa kanilang mga kinita noong 2012. Ang Contact Centers ay nanatiling world leader sa voice services, at kinatagpuan ng 56.4% ng buong kinita ng industriya.
Ayon sa balita mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang export receipts ay umabot sa US$ 12.5 bilyon at lumawak ng 12% mula sa US$ 11.2 bilyon noong 2011. Ang total exports ay kumatawan sa 93% ng revenues ng industriya at nagkaroon ng bahagyang pagtaas mula sa 92.4% noong 2011. Higit sa kalahati ng total export receipts ay natamo ng Contact Centes sa pagkakaroon ng 56.5%.
Nagkatrabaho ang may 769,932 sa IT-BPO industry mula sa 679,494 noong 2012. Pinakaraming manggagawa sa Contact Centers. Umabot naman sa US$6.8 bilyon ang aggregate compensation sa industriya noong 2012 mula sa US$ 5.8 noong 2011. Ang annual average compensation sa bawat kawani noong 2012 ay lumago ng 4.5% at narating ang US$ 8,849 o P 373,662 mula sa US$ 8,464 o P 366,618 noong 2011.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |