|
||||||||
|
||
melo/20140618.m4a
|
Pope Francis, makikita ang pagbabago sa binagyong lalawigan
TINIYAK ni Kalihim Panfilo Lacson na higit na uunlad ang mga binagyong pook sa bansa sa oras ng pagdalaw ni Pope Francis sa Enero ng 2015.
Magkakaroon ng malawakang at malakas na pagbuhos ng resources sa oras na sangayunan ni Pangulong Aquino ang rehabilitation plans para sa mga pook na ito.
Makikita ng Santo papa ang pagbabagong ito sa kanyang pagdalaw. Idinagdag pa ni Kalihim Lacson na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang matulungan ang lahat at makapagbagong-buhay ang mga nasalanta.
Ang lahat ay nakasalalay sa paggalaw ng mga palatuntunan, dagdag pa ni G. Lacson.
Lung rehabilitation ang pag-uusapan, mula sa 171 mga lungsod at bayan, nadarama pa lamang ang pagbabago ng kalagayan sa 25% ng mga pook.
Tiniyak niya na ang pamahalaang lokal at pambansa ay makapaghahanda sa oras na mabatid ang detalyes ng pagdalaw ng Santo Papa.
Binanggit na ni Pope Francis na nagbabalak siyang dumalaw sa buwan ng Enero sa mga nasalantang pook subalit wala pang ibang detalyes.
Ayon kay Kalihim Lacson, hindi naman umano lubhang mabagal ang pagpapatupad ng mga palatuntunan ng pamahalaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |