|
||||||||
|
||
Anim na mambabatas, suportado ang pagsasalegal na marijuana
ANG panukalang batas na akda ni Congressman Rodolfo Albano III na kilala sa pangalang House Bill 4477 na naglalayong gawing legal ang paggamit ng marijuana para sa medesina ay nadagdagan ng co-sponsors.
Pinamagatang "Compassionate Use of Medical Cannabis Act" sumama na sa co-authors sina Minority Leader Ronaldo Zamora, Emi Calixto-Rubiano ng Pasay, Roy Señeres ng OFW Party List, Regina Reyes na Marinduque, Elisa Olga Kho ng Masbate at Henry Oaminal ng Misamis Occidental.
Layunin ng panukalang batas na magkaroon ng balance sa pambansang drug control program upang ang mga pasyenteng may karamdaman ay makatanggap ng sapat na gamot sa pamamagitan ng regulated use ng ipinagbabawal na gamot.
Ang mga kwalipikadong gumamit ng marijuana ay mga pasyenteng mayroong cachexia o wasting syndrome, matindi o pabalik-balik na sakit, pagkahilo, pagkahimatay kabilang subalit hindi limitado sa epilepsy, malubha o madalas na paggalaw ng kalamnan at multiple sclerosis.
Saklaw ng panukalang batas ang pagtatatag ng Medical Cannabis Regulatory Authority sa ilalim ng Kagawaran ng Kalusugan na siyang sasaklaw sa regulasyon ng paggamit ng marijuana. Pamumunuan ito ng isang Director-General na hihirangin ng Pangulo ng Pilipinas mula sa talaan ng mga dalubhasang manggagamot na irerekomenda ng Kallihim ng Kalusugan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |