|
||||||||
|
||
Welga at Lakbayan idaraos bukas
MAGKAKAROON ng tigil-pasada at mga pagpoprotesta bukas laban sa pagpapatupad ng mas mataas na multa sa mga tsuper ng mga 'di rehistradong mga sasakyan at mga gumagamit nito ng walang pangkresa.
Kabilang sa mga hindi magbibyahe sa kanilang mga ruta bukas ay ang mga UV Express van at mga tsuper ng jeepney. Pinamumunuan ito ng grupong Stop and Go Coalition. Inaasahan nilang lalahok pa ang iba pang mga kilusan ng mga sasakyang pangpubliko.
Nagbabala ang Land Transport and Regulatory Board na may posibilidad na mawalan ng mga prangkesa ang mga operator ng mga sasakyang lalahok sa tigil-pasada.
Sa mga nakalipas na araw, nag-picket na ang mga UV Express drivers sa Mandaluyong at sa Quezon City upang iparating ang kanilang sentimiento.
Itinaas ang multa para sa mga bus, truck, jeepney, van kotse at mga motorsiklo na ginagamit ng walang prangkesa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |