|
||||||||
|
||
Dalawang OFW sabit sa pagdadamit-babae
ISANG fashion designer at isang mananahi ang mabibilanggo ng isang buwan matapos madiskubre ng pulis na nakadamit at pang-ilalim na pang babae sa Dubai Metro station.
Ayon sa Gulf News mula sa United Arab Emirates, nadakip ng pulis ang isang 34 na taong gulang na fashion designer na may initials na A. F. at ang kanyang 44 na taong gulang na mananahi na kinilala sa initials na W. L. na pawang nakadamit-babae sa Al Rigga Metro Station noong Marso.
Sa kanilang pagsasalita sa Dubai Misdemeanours Court, ipinaliwanag nilang sanay na silang magdamit babae mula sa pagkabata. Ipatatapon silang pabalik sa Pilipinas matapos mabilanggo.
Umapela sina A. F. at W. L. sa hatol at humihiling ng unawa at maalis ang bahagi ng hatol na pagpapatapon sa kanila pabalik sa Pilipinas.
Nang siyasatin ng pulis, inamin ni A F. na kasama niyang naglalakad si W. L. sa tabi ng isang himpilan samantalang nakasuot pangbabae at may mataas na takong.
Naninirahan na umano siya sa UAE ng pitong taon at nagtatrabaho bilang isang fashion designer. Dinakip umano siya ng pulis sapagkat nakadamit babae siya, naka jeans, pangbabaeng damit pang-itaas at may suot na bra.
Mayroon din umano siyang make-up. Nagdadamit-babae na umano siya mula sa edad na walong taong gulang. Samantala, nagtatrabaho si W. L. sa UAE mula pa noong 1999.
Nakadamit babae na rin siya mula pa noong siya'y sampung taong gulang at nadakip lamang sapagkat na damit babae, naka-bra at may mataas na takong ng sapatos.
Ipinaliwanag niya sa hukuman na gumagamit siya ng hormones upang magmukhang-babae. Haharap sila sa Appeal Court ngayong Hunyo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |