|
||||||||
|
||
Subsidyo ng Kagawaran ng Edukasyon pribadong paaralan, dinagdagan
ITINAAS ng Kagawaran ng Edukasyon ang subsidyo para sa mga mag-aaral na saklaw ng Government Assistance for Students and Teachers in Private Education (GASTPE) sa labas ng Metro Manila.
Sa isang pahayag ni Kallihim Bro. Armin Luistro, FSC, layunin nilang magkaroon ng may-uring edukasyon. Ang desisyon na dagdagan ang tuition subsidy sa ilalim ng Education Service Contracting ay bahagi ng patuloy na layuning mapalawak ang access sa may-uring edukasyon sa buong bansa.
Mula sa halagang P 6,500 subsidyo noong nakalipas na taon, itinaas na ito ng Kagawaran ng Edukasyon sa halagang P 7,500 sa bawat mag-aaral sa bawat taon sa mga kalahok na mga paaralan sa labas ng Metro Manila sa school year 2014-2015.
Ang Education Service Contracting ay isang palatuntunan sa ilalim ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education sa pamamagitan ng subsidyo ng pamahalaan sa matrikula ng mga bata na nais mag-aral ng high school sa pribadong mga paaralan. Ipinatutupad ito ng DepEd at ng Fund for Assistance to Private Education o FAPE.
Ang DepEd sa pamamagitan ng Education Service Contracting ang gagastos sa halos isang milyong mga mag-aaral sa Grade 7 hanggang Grade 10 sa school year 2014-2015. Noong nakalipas na taon ay pawang 800,000 lamang ang napasa ilalim ng ESC.
Idinagdag pa ni Kalihim Luistro na ito ay pagpapakita ng pagpapatotoo sa pangako ng pamahalaan na pananatiliin ang viability ng private education bilang kablikat sa paghahatid ng basic education sa mga kabataan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |