Pangulong Aquino, may isang araw na working visit sa Japan
NAKATAKDANG maglakbay patungong Japan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Martes, ika-24 ng Hunyo. Nakatakda siyang magsalita bilang keynote speaker sa Consolidation for Peace for Mindanao sa Hiroshima. Binuo ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at ng Research and Education for Peace ng Universiti Sains Malaysia.
Ayon sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ng Pilipinas, makakadaupang-palad din ni Pangulong Aquino si Japan Prime Minister Shinzo Abe. Pagkakataon umano itong magpalitan ng mga pananaw sa mga nagaganap sa Asia at pag-usapan din ang pagsusulong ng ibayong pagtutulungan ng dalawang bansa na tinaguriang "strategic partnership."
1 2 3 4 5 6 7