|
||||||||
|
||
Microfinance sector sa Pilipinas, lumalago
SINABI ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco, Jr. na noong Setyembre 2013, may 183 bangko ang naglaan ng P 8.1 bilyon sa microfinance loans sa higit sa isang milyong nangutang. Umabot umano sa 1,017,351 ang nanghiram ng salapi sa mga bangko. Umabot sa halagang P 8,000 ang nautang ng bawat isa.
Sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng 2013 Citi Microentrepreneurship Awards, idinagdag ni G. Tetangco na noong Disymbre ng 2006, ang microfinance portfolio ng mga bangko ay P 4 bilyon para sa 650,000 mga nangutang at ang average na halagang nautang ay P 6,150.
Tumaas ang bank loans sa microenterprises ng may 102% sa loob ng pitong taon samantalang ang bilang ng mga mumunting mangangalakal na nangutang sa mga bangko ay nadagdagan ng may 56%. Sa panahon ding ito, ang average micro loans ay tumaas ng may 30%.
Ang salaping naipon ng mga maliliit na mangangalakal ay tumaas mula sa P 1.4 bilyon noong 2006 at natamo ang P 8.8 bilyon at kinakitaan ng increase na 525%. Nangangahulugan lamang na ang average deposit ng bawat microentrepreneur ay nagmula sa P 2,000 noong 2006 at natamo ang P 8650 noong 2013 na nagkaroon ng 332% sa loob ng pitong taon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |