|
||||||||
|
||
20140625Meloreport.mp3
|
MATAPOS ang matagal ng pagdaing ng mga mamimili sa pagtaas ng halaga ng bigas, bawang, luya at iba pang mga paninda, ipatatawag ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang mga opisyal sa isang pulong.
Sinabi ni Pangulong Aquino sa mga tagapagbalitang sumama sa kanya sa Japan kahapon na magpupulong ngayong linggo o sa susunod na linggo at aalamin ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng bigas at ganoon din sa bawang upang mabatid ang pinakadahilan ng pagtaas nito.
Ayon naman kay Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio "Sonny" Coloma, ipatatawag sina Agriculture Secretary Proceso J. Alcala, Trade Secretary Gregory Domingo, Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization Francis Pangilinan, National Food Authority Administrator Arthur Juan at ang pinuno ng Sugar Regulatory Administration.
Nanawagan naman si Secretary Edwin Lacierda na huwag magpadalus-dalos sa paniniwala kung sino ang nasa likod ng pangyayaring ito. Makabubuting alamin mula ang pinaka-suliranin at kung ano ang mga solusyong magagawa.
Umabot na sa P300 – P400 bawat kilo ng bawang sa Metro Manila samantalang ang commercial rice ay tumaas ng P 2 bawat kilo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |