|
||||||||
|
||
Imports, lumago ng 3% noong Abril; Tsina nangunguna pa rin sa binibilhan ng Pilipinas
INAASAHANG lalago pa ang imports ng Pilipinas sa mga susunod na buwan dahilan sa gumagandang business at consumer outlook. Ito ang pahayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) matapos lumabas ang impormasyong lumago ng 3% ang imports ng Pilipinas noong Abril.
Ayon kay NEDA Director-General at Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan, ang pananaw na ito ay suportado ng mga pagsusuri at survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nagpakita ng overall confidence index ng business sector na umangat sa 50.7% sa ikalawang quarter ng taon mula sa 37.8% noong unang quarter kaya't magpapatuloy ito sa ikatlong quarter ng 2014.
Ang kabayaran sa mga inangkat na kalakal noong Abril ay nakarating sa US$ 5.3 bilyon at tumaas ng 3.0% mula sa US$ 5.2 bilyon noong 2013. Nagkataon na mas mabagal ito kaysa 10.6% expansion sa nakalipas na buwan at sa 7.6% growth noong Abril ng 2013. Ang kabuuhang trade-in-goods deficit ay lumawak sa US$2.6 bilyon noong Abril ng 2014 mula sa US$ 1.7 bilyon noong Abril ng 2013.
Idinagdag pa ni Kalihim Balisacan na ang imports growth noong Abril ay mas mataas dahilan sa mas mahal na imported raw materials at intermediate goods, mineral fuels at lubricants at consumer goods. Ang mas mababang importation ng capital goods ay nagpabagal sa pagtaas ng halaga ng imports.
Ang pagpapalit ng mga eroplano ng mga kumpanyang nasa Pilipinas dahilan sa pagdaragadag ng kanilang ruta at pagtaas ng pagbili ng power generating sets upang makatulong sa power supply ang siyang magpapataas ng imports ng capital goods.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, umabot sa US$ 2.1 bilyon noong Abril 2014 ang inward shipment ng raw materials at intermediate goods. Mas mataas ito ng 17.6% mula sa US$ 1.7 bilyon noong Abril ng 2013.
Tsina pa rin ang nangungunang bansa na binilhan ng Pilipinas ng mga produkto at nagkaroon ng 15.7% share na nagkakahalaga ng US$ 833.5 milyon. Pangalawa ang Saudi Arabia na mayroong 8.4% share, South Korea na mayroong 8.3%, Japan 7.6%, United States of America na nagkaroon ng 7.1%, Singapore na nagkaroon ng 6.6%, Germany na nagtamo ng 5.5%, Indonesia, 5.0% at Malaysia na mayroong 4.2%.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |