|
||||||||
|
||
Mambabatas, hiniling na ideklarang pilgrimage site ang Manaoag
HINILING ni Congresswoman Gina Vera-Perez de Venecia na ideklara ang Basilica of Our Lady of the Rosary sa Manaoag, Pangasinan bilang isang pilgrimage site at tourist destination.
Sa kanyang House Bill 4481, hiniling ni Congresswoman de Venecia na atasan ang Department of Tourism na magkaroon ng malawakang balak upang maisaayos ang Manaoag Shrine, ang lahat ng mga pook na malapit sa basilica at isaayos ang mga lansangang sa paligid nito.
Sinabi niya na ang Our Lady of Manaoag ang isa sa pinakamamahal na imahen ng Birheng Maria sa bansa at madalas na sinasabing pilgrim center ng hilangang bahagi ng Pilipinas.
Idinagdag pa niya na milyong mga Filipino ang dumadalaw sa Basilica at patuloy na nadaragdagan sa paglipas ng panahon. Napupuna rin ang pagdagsa ng mga banyagang dumadalaw sa simbahan.
Ani Congresswoman de Venecia, nanatiling matatag ang Simbahan sampu ng pananampalataya ng mga mamamayan kaya't nararapat lamang itong kilalanin bilang isang pilgrimage site at tourist destination.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |