|
||||||||
|
||
Norway, pinasalamatan ni Kalihim Teresita Quintos-Deles
MAHALAGA ang naging papel ng bansang Norway sa political support, development programs, technical assistance at pagpapatatag ng pagtitiwala ng magkabilang panig sa usapang pangkapayapaan at nararapat lamang pasalamatan.
Ito ang pahayag ni Kalihim Quintos-Deles sa isang high-level press conference sa Oslo bilang bahagi ng Oslo Forum 2014. Hindi kailanman maitatanggi ang papel ng Norway at ng international community sa paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro sa pagitan ng Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front noong ika-27 ng Marso.
Ayon kay Kalihim Deles, walang hangganan ang kapayapaan, walang political lines at walang pagtatangi ng pinagmulan sapagkat isang biyaya na maging peace worker upang masaksihan ang mga mamamayang mula sa iba't ibang paniniwala at pinagmulan na siyang nag-ukit ng kasaysayan tungo sa kapayapaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |