|
||||||||
|
||
Autoridad sa Pilipinas nakikipagtulungan sa Interpol upang madakip ang mga sangkot sa cyber-porn
MAY koordinasyon na ang National Bureau of Investigation at International Police Organization (INTERPOL) upang matunton ang mga Filipinong sangkot sa isang cyber-pornography operation matapos limang Griego ang nadakip sa panonood ng isang cyber-sex show mula sa Pilipinas.
Sinabi ni NBI cyber-crime division chief Atty. Ronald Aguto na hinihintay na lamang nila ang tugon ng mga Griego sa detalyes ng live feed mula sa Pilipinas.
Nabatid na nasa pay-per-view arrangement ang pagpapalabas ng malalaswang panoorin sa pamamagitan ng internet.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |