|
||||||||
|
||
Kalihim del Rosario, dumalaw sa Israel
SINIMULAN ni Kalihim Albert F. del Rosario ang kanyang tatlong araw na pagdalaw sa Israel upang higit na mapalawak ang bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa.
Ito ang kauna-unahang pagdalaw ng isang opisyal ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas sa loob ng dalawampung taon. Makakausap niya si Foreign Minister Avigdor Leiberman upang pagbalik-aralan at magpanukala ng mga pagkakasunduan.
Matatag ang bilateral relations ng dalawang bansa sa larangan ng tanggulang pambansa, kalakal, turismo, paggawa, humanitarian at development cooperation. Ang dalawang bansa ay may pagtutulungan at magandang people-to-people relations.
Ayon sa pahayag ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, ang Philippines-israel Air Services Agreement na nilagdaan noong Mayo ay inaasahang magpapalalim sa relasyon ng dalawang bansa sa kalakal at turismo.
Ipararating din ni Kalihim del Rosario ang pasasalamat ng bansa sa mahalagang tulong ng Israel sa mga biktima ni "Yolanda" noong Nobyembre 2013.
Babanggitin din niya ang paglahok ng may 347 mga kawal na Filipino sa United Nations Disengagement Observer Force sa Golan Heights. Ang isang haligi ng relasyon ng dalawang bansa ay ang pagtutulungan sa pamamagitan ng Philippines-Israel Center for Agricultural Students at Granot Agrostudies program,
Natututo ang mga Filipino sa pagkadalubahsa ng Israel sa agricultural technology at advanced farming techniques.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |