|
||||||||
|
||
Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, lumahok sa Araw ng mga Magdaragat
KABILANG ang Department of Foreign Affairs ng Pilipinas sa nagdiriwang ng Day of Seafarer ngayong ika-25 ng Hunyo.
Ang United Nations, sa rekomendasyon ng International Maritime Organization ang kumikilala sa mahalagang papel ng mga magdaragat kaya't idineklara ang araw na ito bilang Day of the Seafarer. Ang pagdiriwang ay ipinanukala sa Diplomatic Conference of Parties to Adopt Amendments to the International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafares na itinaguyod ng Pilipinas noong Hunyo ng 2010.
Ginawang tema ng Pilipinas ang "Pinoy Seafarers: Proudly Moving the World" para sa taong ito. Ang mga magdaragat na Filipino ay 30% ng lahat ng magdaragat na sakay ng international merchant shipping.
Ang shipping ang dahilan ng paglalakbay ng 90% na pandaigdigang kalakalan at pinagmumulan ng 3% ng greenhouse gas emission. Ang paglalayag ang pinaka-environmentally-friendly mode ng pagdadala ng mga kagamitan at kargamento sa buong daigdig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |