|
||||||||
|
||
味道怎么样 真的很好吃 我吃饱了
20140630Aralin14Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusa
Oras na para maupo sa harap ng mesa, magrelaks at kasiyahan ang masarap na pagkain. Ngayon, kung gusto ninyong itanong "Kumusta ang pagkain?" sa wikang Tsino, ito ay:
味道怎么样(wèi dào zěn me yàng)?
味道wèi dào, lasa.
怎么样zěn me yàng, kumusta.
Ang sagot dito ay "Talagang masarap." Sa wikang Tsino, ito ay:
真的很好吃(zhēn de hěn hào chī).
真的zhēn de, talaga.
很hěn, napaka o talaga.
好吃hào chī, masarap. Narito ang ikalawang usapan:
A:味(wèi)道(dào)怎(zěn)么(me)样(yàng)? Kumusta ang pagkain?
B:真(zhēn)的(de)很(hěn)好(hào)吃(chī)。Talagang napakasarap.
Salamat sa magandang pakikitungo ng mga Tsino, talagang nabusog kayo nang husto pagkaraang kumain ng napakasarap na pagkain. Para malaman nilang hindi na nila kailangang maglagay pa ng pagkain sa inyong plato, maari ninyong sabihing "Busog na ako." Sa wikang Tsino, ito ay:
我吃饱了(wǒ chī bǎo le).
我wǒ, ako.
吃chī, kumain.
饱bǎo, busog.
了le, katagang tumutukoy sa kaganapan ng aksyon.
Narito ang ikatlong usapan:
A:我(wǒ)吃(chī)饱(bǎo)了(le)。Busog na ako.
B:我(wǒ)也(yě)是(shì)。这(zhè)里(lǐ)的(de)菜(cài)真(zhēn)的(de)很(hěn)好(hào)吃(chī)。Ako rin. Talagang napakasarap ng pagkain dito.
Narito ang Mga Tip ng Kulturang Tsino.
Madalas na gamitin ng mga Tsino ang pariralang "tsaa at kape" bilang paglalarawan sa pagkakaiba ng mga kulturang Tsino at Kanluranin. Sa loob ng maraming libong taon, ang tsaa ay hindi nagbabagong inuming Tsino. Ito ay nagmula sa Tsina limang libong taon na ang nakararaan. Maliwanag na ang tsaa ay kumakatawan sa Silangan at ang kape sa Kanluran. Ang temperatura sa katimugan at silangang bahagi ng Tsina ay angkop na angkop sa pagpapatubo ng tsaa. Noong unang panahon, ang tsaa ay iniluluwas sa mga bansang Asyano at Europeo sa pamamagitan ng Silk Road. Sa kasalukuyan, ang mga tsaa sa lahat ng panig ng mundo ay tinatawag sa pangalang katulad ng salitang Tsino para sa Tsaa, "茶(chá)". Kung ihahambing sa mga bansang kilala sa pagpoprodyus ng kape ang produksiyon ng kape sa Tsina ay maliit lamang. Ang unang pabrika ng kape ay nagbukas sa Shanghai noong 1935 pero noon lamang bandang kalagitnaan ng 1980's nagustuhan ng mga Tsino ang pag-inom ng kape na nakasilid sa maliliit na pakete.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. 非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |