|
||||||||
|
||
Mga kakampi ng administrasyon, hindi sasantuhin
NILIWANAG ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, Jr. sa panayam sa isang himpilan ng radyo na mahaharap ang mga kasama ng administrasyon sa oras na malantad ang mga ebidensyang sangkot sila sa P 10 bilyon pork barrel scam.
Hindi makakaligtas sina Kalihim Florencio B. Abad ng Budget and Management at Kalihim Proceso J. Alcala ng Kagawaran ng Pagsasaka kung sakaling magkaroon ng ebidensya laban sa kanila.
Magugunitang sinabi nin Gng. Janet Lim – Napoles na si Kalihim Abad ang nagturo sa kanya kung paano bumuo ng mga non-government organizations. Ang mga pondo ng mga mambabatas ang siya namang ipinadaan sa mga NGO na binuo ni Gng. Napoles.
Kapwa tumanggi sina Kalihim Abad at Alcala sa mga akusasyon. Ani Abad, hindi man lamang niya nakadaupang-palad ang mga NGO bni Gng. Napoles, Tumanggi din si Agriculture Secretrary Proceso J. Alcala sa mga akusasyon.
Nanindigan si Kalihim Coloma na walang anuman at sinumang "sacred cows" sa gagawing imbestigasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |