|
||||||||
|
||
Embahada ng Tsina, nabahala sa pahayag ng US Ambassador
IPINARATING ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas ang pagkabahala sa ginawang pahayag ni US Ambassador to Manila Philip Goldberg sa Philippine Constitution Association hinggil sa isyu ng South China Sea.
Sa pahayag ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, niliwanag nilang matagal nang nasasakop ng Tsina ang mga kapuluan sa Nansha at mga kalapit ng karagatan mula sa nakalipas na 2,000 taon.
Patuloy na naninindigan ang Tsina na ang 'di pagkakaunawaan hinggil sa South China Sea ay nararapat malutas sa pamamagitan ng bilateral negotiation at konsultasyon sa pagitan ng mga bansang sangkot sa sigalot o 'di pagkakaunawaan. Ang magiging sandigan ng mga ito ay ang mga datos sa Kasayayan at pandaigdigang batas.
Idinagdag pa ng pahayag ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas na kanilang napuna na inulit ni Ambassador Goldberg na walang posisyon ang Estados Unidos sa 'di pagkakaunawaan sa South China Sea.
Hindi maituturing na concerned party ang Estados Unidos sa 'di pagkakaunawaan sa mga bansang naghahabol ng mga lupain. Hindi pa rin naipapasa ng Kongreso ng America ang UNCLOS.
Umaasa ang Embahada ng Tsina na higit na may magagawa ang Pamahalaan ng Estados Unidos upang isulong ang kapayapaan at kaunlaran sa bahaging ito ng rehiyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |