|
||||||||
|
||
Yemen, nasa ilalim pa ng Alert Level 2
IBINALITA ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh na nananatili ang Alert Level 2 sa Yemen dahilan sa mga nagaganap sa bansa.
Ang lahat ng mga Filipino sa Yemen ay pinapayuhang maging maingat at umiwas sa non-essential movements at huwag munang magtutungo sa matataong pook.
Sa ilalim ng Alert Level 2, ang mga Filipinong mayroong mga kontrata at nagbabakasyon lamang sa Pilipinas ang papayagang bumalik sa Yemen. Suspendido ang paglalakbay ng mga bagong manggagawang patungo sa Yemen.
Nanawagan din ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa mga Filipino sa lahat ng lungsod at rehiyon ng Yemen na magpatala sa embahada. Makukuha ang registration form sa website ng embada na www.philembassy-riyadh.org.
Ang mga Filipino sa Yemen ay maaaring makipag-ugnayan nsa Philippine Honorary Consul sa Sana'a na si Mohammed Saleh AlJamal sa Philippine Consulate sa Sana'a Hadda Area – Damascus St., P. O. Box 1696 – Sana'a, Yemen. May telephone numbers +967 1 416751 at Fax +967 1 418254 Mobile +967 777 2 555 11 at Email: honconsanaa@philembassy-riyadh.org
Patuloy na binabantayan ng Philippine Embassy sa Riyadh ang situwasyon sa Yemen at maglalabas ng kaukulang payo para sa mga Filipino sa oras na kailangan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |