|
||||||||
|
||
Libu-libong mga deboto, dumalo sa kapistahan ng Ina ng Laging Saklolo
KAHIT pa nagkaroon ng manaka-nakang pag-ulan at patuloy na init, libu-libong mga deboto ng Ina ng Laging Saklolo ang dumalo sa kapistahan noong nakalipas na Biyernes. Nagmula ang mga deboto sa iba't ibang bahagi ng bansa at daigdig.
Napuno ng mga bulaklak na rosas, tulips at hasmin ang altar mula sa mga deboto.
Ayon kay Bishop Ireneo Amantillo, isang Redentoristang obispo, malaki ang nagagawa ng Mahal na Birhen kaya nga't pinangalanan siyang "Ina ng Laging Saklolo."
Isang prusisyon na kinatampukan ng milagrosong larawa ng Mahal na Ina ang idinaos mula sa Roxas Blvd. gate patungo sa Quirino Avenue at Airport Road hanggang sa makabalik sa national shrine. Sinundan ang larawan ng mga deboto, kalalakihan at kababaihan at maging mga kabataan na nagdarasal ng Santo Rosaryo at umaawit ng mga awiting papuri kay Santa Maria.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |