Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Labinlima Pagbili ng Pagkain sa Kalye

(GMT+08:00) 2014-07-08 16:50:59       CRI

这里面是什么 我们去买点饮料吧


Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusa

Madaling sabihin na ang barbikyung karne ng tupa ay gawa sa karne ng tupa. Paano naman iyong ibang pagkain? Maaring gusto ninyong malaman kung ano ang sangkap na nasa loob ng balutan ng dumpling. Paano sinasabi ng mga Tsino ang "Ano ang palaman nito?" Ito ay:

这(zhè)里(lǐ)面(miàn)是(shì)什(shén)么(me)?

这(zhè), ito.

里(lǐ)面(miàn), loob.

是(shì) , salitang nagbibigay-diin.

什(shén)么(me), ano.

Narito ang ikatlong uspan:

A:这(zhè)里(lǐ)面(miàn)是(shì)什(shén)么(me)? Ano ang palaman nito?

B:我(wǒ)也(yě)不(bù)知(zhī)道(dào)。Hindi ko rin alam.

Pagkaraang kumain ng maraming pagkain, siguradong nauuhaw kayo. Paano sinasabi ng mga Tsino ang "Halika at bumili tayo ng maiinom." Ito ay:

我(wǒ)们(men)去(qù)买(mǎi)点(diǎn)饮(yǐn)料(liào)吧(ba).

我(wǒ)们(men), tayo.

去(qù), pumunta.

买(mǎi), bumili.

点 (diǎn), kaunti o ilan.

饮(yǐn)料(liào), maiinom o inumin.

吧 (ba), katagang panghimok.

Narito ang ikaapat na usapan:

A:我们去买点饮料吧。Halika at bumili tayo ng maiinom.

B:你喜欢红茶还是绿茶? Gusto mo ba ng tsaang itim o berde?

Okay. Dumako naman tayo sa Mga Tip ng Kulturang Tsino.

Kung chopsticks at tinidor ang pag-uusapan, marami nang ginawang pananaliksik ang mga iskolar hinggil dito. Pinaninindigan ng iba na gulay ang pangunahing sangkap ng pagkain ng mga Tsino na dati ay umaasa sa pagsasaka, kaya mas madali para sa kanila ang paggamit ng chopsticks sa pagkain. Ang mga mamamayang kanluranin naman na anila ay mula sa lahing nomadic at nabubuhay sa karne at para rito mas angkop ang kutsilyo't tinidor. Bukod pa rito, mas pinipili ng mga Tsino na kumain nang magkakasama. Pinagbabahaginan nila ang pagkain sa iisang plato. Kaya, sa paggamit ng chopsticks, ang diwa ng pagsasama-sama ay napapanatili at ang kapakinabangang pang-indibiduwal ay hindi gaanong nahihikayat. Para sa mga mamamayang Kanluranin, mas simple lang ang bagay-bagay; basta kumakain lang sila sa sarili nilang plato.

At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. 非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!

Maligayang pag-aaral!:)

Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>