Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Labimpito Sa Isang Bangkete

(GMT+08:00) 2014-07-21 16:43:18       CRI

为大家的身体健康干杯 感谢你们的热情款待

Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusa

Maraming alok ng pagtagay sa isang bangkete. Katulad nito: "Uminom tayo sa ating mabuting kalusugan!" Sa wikang Tsino, ito ay:

为(wéi)大(dà)家(jiā)的(de)身(shēn)体(tǐ)健(jiàn)康(kāng)干(gān)杯(bēi)!

为(wéi), para.

大(dà)家(jiā), lahat. 的(de), salitang auxiliary na ginagamit sa hulihan ng nominal structure bilang pang-uri. 大(dà)家(jiā)的(de), ng lahat.

身(shēn)体(tǐ), katawan.

健(jiàn)康(kāng), kalusugan.

干(gān), saidin o ubusin. 杯(bēi), tasa. 干(gān)杯(bēi), ubusin ang laman ng tasa o tagay.

Narito ang ikalawang usapan:

A: 为(wéi)大家(dàjiā)的(de)身体(shēntǐ)健康(jiànkāng)干杯(gānbēi)! Uminom tayo sa ating mabuting kalusugan!

B: 干杯(gānbēi)!Tagay.

Bago umalis ng bangkete, kailangan muna tayong magpasalamat sa mga mayhanda sa kanilang magandang pagtanggap sa atin. Sa ganitong situwasyon, sinasabi ng mga Tsino: "Salamat sa inyong magandang pagtanggap sa amin".

感(gǎn)谢(xiè)你(nǐ)们(men)的(de)热(rè)情(qíng)款(kuǎn)待(dài).

感(gǎn)谢(xiè), salamat.

你(nǐ)们(men), kayo. 的(de), tulad ng nabanggit natin, ang的(de) ay salitang auxiliary na ginagamit sa hulihan ng nominal structure bilang pang-uri. 你(nǐ)们(men)的(de), inyo o ninyo.

热(rè)情(qíng), mainit.

款(kuǎn)待(dài), magiliw na pagtanggap.

Narito ang ikatlong usapan:

A:时间(shí jiān)不(bù)早(zǎo)了(le)。我们(wǒmen)该(gāi)走(zǒu)了(le)。感谢(gǎn xiè)你们(nǐ men)的(de)热情(rè qíng)款待(kuǎn dài)。Gumagabi na. Uuwi na kami. Salamat sa inyong magandang pagtanggap sa amin.

B:欢(huān)迎(yíng)你(nǐ)们(men)以(yǐ)后(hòu)常(cháng)来(lái)。Lagi kayong malugod na tatanggapin dito sa amin.

Dumako naman tayo sa Mga Tip ng Kulturang Tsino:

Ang pagkamababang-loob ay isang tradisyonal na magandang katangiang moral ng mga mamamayang Tsino. May kawikaang Tsinong "谦(qiān)受(shòu)益(yì), 满(mǎn)招(zhāo)损(sǔn)" na nangangahulugan ng "ang pagmamataas ay nakakasama, ang pagkamababang-loob ay nakakabuti." Dito, ang pagkamababang-loob ay tumutukoy sa pagiging bukas ng isip at pagkakaroon ng kakayahang tumanggap ng mungkahi at puna ng iba. Ang pagkamababang-loob ay nangangahulugan din ng wastong pagkilos kung may interaksiyon sa iba. Halimbawa, madalas sinasabi ng mga Tsinong "过(guò)讲(jiǎng)了(le)" na sa literal na kahulugan ay labis ang pagpuri ninyo, "我(wǒ)做(zuò)的(de)还(hái)不(bú)够(gòu)" na nangangahulugan ng kulang pa ang ginawa ko at "哪(nǎ)里(li),哪(nǎ)里(li)" na nangangahulugang "hindi naman,"  kung sila ay pinupuri ng iba.

Sa katotohanan, ang esensiya ng pagkamababang-loob na itinataguyod ng mga Tsino ay ang pagbibigay-galang sa iba, pagiging mabait at pagkakaroon ng pagpipigil sa sarili. Kung may taglay na katangian ng pagiging mapagkumbaba ang isang tao, saka lamang siya maaring tanggapin at igalang ng iba bilang ganti. Maski ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pagkamababang-loob dahil ito ang nagsisilbing dahilan para mapagtanto ng mga tao ang kanilang kahinaan sa kabila ng kanilang tagumpay at pag-asenso.

At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. 非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!

Maligayang pag-aaral!:)

Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>