|
||||||||
|
||
140723melo.mp3
|
Pangulong Aquino, hindi natutunawan sa Korte Suprema
TINULIGSA na naman ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang Korte Suprema at sinasabing ang kanyang kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program ay legal sapagkat nagtangka ang Korte Supremang maglipat ng pondo patungo sa ibang sangay ng pamahalaan.
Sa kanyang talumpati sa ika-150 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Apolinario Mabini sa Tanauan City sa Batangas, sinabi ni Pangulong Aquino na inilipat ng Korte Suprema ang P 1.8 bilyon mula sa kanilang savings patungo sa Department of Justice upang maitayo ang Manila Hall of Justice.
Sinabi ni Pangulong Aquino na malinaw ang lahat sa ang salapi ng Hudikatura ay inilaan sa proyektong Ehekutibo ang gumagawa.
Sa kakaibang gawi, sinabi ni Pangulong Aquino na hiniling ng Korte Suprema sa Department of Budget and Management na sangayunan ang paglilipat ng isa pang P 100 milyon mula sa pondo ng hudikatura patungo sa Department of Justice.
Ang Korte Suprema ay tumigil na sa paglilipat ng pondo sa Department of Justice noong Disyembre ng 2013 ng ipagtanong na ang DAP sa hukuman. Pinasaringan na niya ang Korte Suprema sa kanyang talumpati noong nakalipas na Lunes, ika-14 ng Hulyo at nagsabing mas malala ang ginawa ng Korte Suprema kaysa kontrobersyal na paggasta ng kanyang administrasyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |