Mga nasawi dulot ni "Glenda" tumaas pa
UMAKYAT na ang bilang ng mga nasawi dala ng bagyong "Glenda" sa 98 at ang pinsala'y humigit na sa P 10 bilyon. Ito ang balita mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa pinakahuling datos, 630 na ang nabalitang nasugatan at lima ang nananatiling nawawala.
Ang pinakahuling nasawi ay nagmula sa Marinduque at ang mga nasugatan ay mula sa Central Luzon, Calabarzon, Bicol at Eastern Visayas.
Umabot na rin sa 330,433 pamilya o higit sa 1.5 milyong Filipino ang apektado ni "Glenda." Higit sa P 1.5 bilyon ang pinsala sa mga pagawaing bayan samantalang mayroong halos P 8.5 bilyon ang pinsala sa mga sakahan. Sa Kabuuhan, higit na sa 10 bilyon ang idinulot na pinsala ni "Glenda."
1 2 3 4 5 6