Maliwanag ang tayo ng CBCP
NAGLABAS ng pahayag si Arsobispo Socrates B. Villegas matapos lumabas sa mga pahayagan na hindi sumusuporta ang Catholic Bishops Conference of the Philippines hinggil sa impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
Ayon kay Arsobispo Villegas, mali ang lumabas na balita sapagkat sinasabing may paninindigan ang CBCP. Maliwanag ang naging pahayag ng CBCP noong nakalipas na araw na ang mga paninindigan ng mga obispo ay pangsarili nilang desisyon at hindi nararapat kilalaning paninindigan ng buong kapulungan.
Hindi kailanman mamamasamain ng CBCP ang anumang gagawin ng obispo at maging mga layko na lumahok sa impeachment complaint o pagdinig.
Niliwanag pa ni Arsobispo Villegas na kailangang maging mapang-unawa at kilalanin ang katuturan ng batas.
1 2 3 4 5 6