Panibagong impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino ikakasa na
ILANG kasapi ng civil society ang naghahanda ng ikatlong impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino sa pagdadala ng pormal na reklamo bukas hinggil sa Enhanced Defense Cooperation Agreement sa pag-itan ng Estados Unidos at Pilipinas.
Ayon sa Gabriela Partylist leaders, ang reklamo ay ipararating ng iba't ibang civil society groups at ilan sa mga petistioner na nagtatanong ng legalidad ng EDCA sa Korte Suprema.
Ang reklamo ay inindeorso nina Gabriela Party-list Congresswoman Emmi de Jesus at Alliance of Concerned Teachers party-list Representative Antonio Tinio.
Kabilang din sa reklamo ang culpable violation ng Saligang Batas sa pagsusulong ng EDCA sapagkat ito'y lumalabag sa mga itinatadhana ng Saligang Batas na nagbabawal ng mga banyagang kawal at mga base at pagpasok at pagdadala ng armas na nuklyear sa Pilipinas.
1 2 3 4 5 6