Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kawalan ng parusa sa DAP, pinabulaanan

(GMT+08:00) 2014-07-10 15:07:13       CRI

Kawalan ng parusa sa DAP, pinabulaanan

MALVERSATION OF PUBLIC FUNDS ANG MAIKAKASO SA MGA NASA LIKOD NG DAP. Ito ang pananaw ni Atty. Harry Roque, isang propesor sa UP College of Law bilang reaksyon sa pahayag ni Secretary Edwin Lacierda kamakailan. (Melo M. Acuna)

HINDI totoo ang paniniwala ni Secretary Edwin Lacierda, ang tagapagsalita ni Pangulong Aquino na walang parusang ipinataw ang Korte Suprema hinggil sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program. Ito ang reaksyon ni Atty. Harry Roque, isang propesor ng batas sa Pamantasan ng Pilipinas sa isang eksklusibong panayam.

Binigyang-diin ni Atty. Roque na maliwanag ang Revised Penal Code ng Pilipinas na nagsasabing ang malversation of public funds o paglustay ng salapi ng kaban ng bayan ay labag sa batas. Kahit pa pinakinabangan ng taongbayan ang salaping mula sa Disbursement Acceleration Program, may pananagutan pa rin ang mga may kagagawan nito.

Sa batas hinggil sa Anti-Graft (Law), yung cause and damage to the government, ang danyos na nakamtan dahilan sa hindi na maibabalik pa ang salaping inilabas. Hindi na isyu kung ang salaping ginastos ay pinakinabangan ng opisyal ng pamahalaan sapagkat ang mahalaga ay 'di nasunod ang batas at nagkaroon ng pinsala sa pamahalaan.

Ipinaliwanag ni Atty. Roque na depensa ng Malacanang na isang economic stimulus ang DAP sapagkat napuna ng World Bank na mabagal ang pamahalaan sa paggasta ng salapi upang magkaroon ng kaunlaran.

Sinabi ni Atty. Roque na nagkataong sa DAP, may apat na iskemang ginawa ang administrasyon. Kinilala nila ang proyekto at nagdeklara ng savings, sa paggamit ng executive discretion, ginamit ang salapi hindi lamang sa mga tanggapan ng ehekutibo kungdi maging sa Senado at mga constitutional commissions. Ginamit nila ang salapi para sa mga proyektong wala sa budget na mula sa Kongreso. Ginastos din nila ang salapi ng walang sertipikasyon ng Pambansang Ingat-Yaman na may sapat na salapi para sa mga proyekto.

Ani Atty. Roque, nagpapasalamat silang nagwagi sila sa usaping dinala sa Korte Suprema. Obligasyon kasi ng Kongreso na kilalanin ang mga proyektong kailangan ng mga mamamayan at obligasyon ng ehekutibo na magpatupad ng mga pagawaing-bayan. Hindi kailanman masasabing savings ang salapi kung hindi pa tapos ang taon. Samantalang puedeng gawin ng pangulo ang realignment, magagawa lamang niya ito sa pamamagitan ng go signal ng Congreso.

Maliwanag sa batas na hindi ka makagagasta ng salapi ng bayan kung walang autorisasyon mula sa Kongreso. Hindi ka rin makagagasta ng walang sertipikasyon mula sa Congreso at mula sa national treasurer.

Walang taxation kung walang representation, dagdag pa ni Atty. Roque. At ito ang pagkakaiba sa gawain ng ehekutibo at kongreso.

Sa katanungan kung magbubunga ang impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino, sinabi ni Atty. Roque na hindi magkakaroon ng 110 mga mambabatas na magpapasa ng resolution na magpapatalsik kay Pangulong Aquino.

Kontrolado ng mga Liberal ang Mababang Kapulungan. Sayang lamang ang salapi ng bayan sapagkat tulad ng kinagawian noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ginamit ang salapi ng pamahalaan upang "bilhin" ang mga kongresista na huwag suportahan ang impeachment complaint laban sa kanya.

Ang pinakamagandang gawin ay kasuhan ang mga personalidad na nasa likod ng DAP ngayon pa man at siyasatin ng Ombudsman kung ano ang kanilang mga nilabag na batas at pagkatapos ng termino ni Pangulong Aquino, saka siya kasuhan ng kasong kriminal sapagkat wala na siyang immunity pagbaba niya sa poder.

Sandali na lamang ang panahong ipaghihintay sapagkat may mga taong kumikilala kay Pangulong Aquino bilang lameduck president.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>