Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pope Francis, dadalaw sa Maynila at Kabisayaan

(GMT+08:00) 2014-07-30 17:15:19       CRI

Mga mangangalakal, problema pa rin

NANAWAGAN ang mga kasapi ng Philippine Business Groups at Joint Foreign Chambers kay Pangulong Aquino na bagama't maraming nagawa sa larangan ng lipunan, politika at mga reporma sa ekonomiya, kailangang magpunyagi upang maging matatag ang lipunan.

Sa kanilang liham na ipinadala noong nakalipas na linggo, sinabi ng mga mangangalakal na maraming pandaigdigang pagpupulong na magaganap sa bansa at pagkakatao ito upang matatagin ang reform agenda at ipakita ang tagumpay na natamo sa buong daigdig tulad noong naganap na World Economic Forum.

Upang mapigil ang katiwalian, nararapat upagpatuloy ang kampanya sa mabuting pamamalakad ng pamahalaan, walang hihigit pa sa pagpapanagot sa mga dati at kasalukuyang mga opisyal na mapapatunyang sangkot sa paglustay ng salapi ng bayan sa pinakamadaling panahon ng walang itinatangi at pinagtatakpan.

Kahit umano pinagtangkan ng administrasyong bantayan ang paglalaan at paggamit ng pondo ng bayan, ang na naganap kamakailan ay nagpapakita lamang na mayroon pang mga katiwalian sa loob ng burukrasya at mga transaksyon ng pamahalaan. Narinig na umano nila ang pangakong ito sa Daylight Dialogues na ipasa ang Freedom of Information Act bago matapos ang termino sa 2016.

Kailangang magtulungan ang ehekutibo sa hudikatura at lehislatura upang matugunan ang mga isyu ng kakayahan, maasahan at may integridad na justice system sa bansa.

Idinagdag pa mga mangangalakal na kahit anupang paglago ng ekonomiya ng bansa, kailangang pagbutihin ang programang magbabawas sa kawalan ng hanapbuhay at underemployment sapagkat walang kaunlarang nadarama ang mga mamamamabayn. Binanggit nila ang kanilang pangakong tumulong sa pagkakaroon ng matatag na sektor ng pagsasaka at responsible mining.

Mahina pa rin ang sektor ng pagsasaka at nakaaapekto sa one third ng mga mamamayan ng bansa, lalo na sa mga lalawigan at nanawagan din kay Pangulong Aqino na bumuo ng maayos na direksyon sa sektor na ito. Nararapat na masuportahan ang pagsasaka sa pamamagitan ng sapat na investments .

Kailangan ding panatiliin ang Philippine Mining Act upang makasabay ang bansa sa pandaigdigang industriya. Bukod sa mga mungkahing ito, kailangan ang pagkakaroon ng multi-airport system lalo na sa Ninoy Aquino International Airport, sa Clark at isa pang paliparan upang matugunan ang pangangailangan ng turismo at kalakal.

Kailangan ding magkaroon ng madaliang konstruksyon ng NLEX at SLEX at isa pang lansangan na magkakaroon ng koneksyon sa Port of Manila. Dapat na ring ilipat ang cargo traffic mula sa Maynila patungo sa Subic at Batangas. Napapanahon na rin ang pagsusog sa Electric power Industry Reform Act (EPIRA) sa pagsusog na magiging dahilan ng unstable regulatory framework.

Nararapat magkaroon ng mga kalakal na titiyak ng mas maraming hanapbuhay. Iminungkahi rin nila ang pagbabago sa Foreign Investment Negative list sa pagbabawas ng mga industriya na limitado ang foreign participation.

Kabilang sa mga lumagda sina Ramon R. del Rosario ng Makati Business Club, Dan Lachica ng Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines, Edgardo G. Lacson ng Employers Confederation of the Philippines at iba pang mga kilalang mangangalakal.

Kasama rin sa mga lumagda sina Rhicke Jennings ng American Chamber of Commerce, Ian Porter ng Australian-New Zealand Chamber of Commerce, Julian Payne ng Canadian Chamber of Commerce, Michael Raeuber ng European Chamber of Commerce, Tetsuo Tomino ng Japanese Chamber, Eun Gap Chang ng Korean Chamber of Commerce at Shaeem Qurashi ng Philippine Association of Multinational Companies Regional Headquarters, Inc.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>