General Catapang: Walang dahilan upang pabagsakin ang pamahalaan
WALANG patutunguhan ang anumang balak na pabagsakin ang pamahalaan. Ito ang sinabi ni General Gregorio Pio Catapang, ang bagong luklok na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines. Ang dahilan ay mataas ang morale ng mga kawal.
Binanggit kasi ni Pangulong Aquino ang mga kagamitang bibilhin ng pamahalaan para sa sandatahang lakas sa katatapos na State of the Nation Address noong Lunes.
Nakausap siya ng mga mamamahayag matapos ang isang executive briefing sa Senado. Maayos ang pamamalakad ng pangulo sa sandatahang lakas ng Pilipinas.
Ginawa niya ang pahayag matapos ibunyag ni Senador Antonio Trillanes IV na mayroong ilang mga retiradong heneral na nangungumbinse ng mga opisyal na yanigin ang pamahalaan. Ani General Catqapang, wala silang nababalitang ganon at walang intelligence report na nagsasabing may mga pagkilos.
1 2 3