|
||||||||
|
||
140725melo.mp3
|
Senador Enrile, ipinasususpinde ng Sandiganbayan
IPINAG-UTOS ng Sandiganbayan ang pagsuspinde kay Senador Juan Ponce-Enrile, ang kasalukuyang Senate Minority Leader, sa kanyang kasong hinaharap sa hukuman. Tatagal ang suspension ng 90 araw dahilan sa sinasabing pagkakasangkot sa P 10 bilyong pork barrel scam.
Sa isang press briefing, sinabi ni Atty. Dennis Pulma, clerk of court ng Third Division, na sumang-ayon sila sa kahilingan ng taga-usig na suspendehin si Senador Enrile. Subalit sinabi ng kampo ni Senador Enrile na tanging ang Senado lamang ang makapagsusupinde sa kanya.
Sinabi ni dating Solicitor General Estelito Mendoza na ayon sa alituntunin, ang Kongreso lamang ang may poder na parusahan ang mga kasapi nito sa "disorderly behavior" at mangangailangan ng pagsang-ayon ng 2/3 ng lahat ng mga kasapi o magpatalsik ng kasama nila.
Idinagdag ni Atty. Mendoza na sa ilalim ng Section 5, Republic Act 7080 o Plunder Law na ginamit ng tagausig sa paghiling ng suspension ni Senador Enrile, ay hindi magagamit sapagkat kasapi ng lehislatura ang kanyang kliyente.
Ayon sa Section 5 ng Republic Act 7080, ang public officers na kakasuhan ng plunder ay nararapat masuspinde mula sa tanggapan. Kung siya ay mapapatunayang nagkasala, mawawalan siya ng retirement o gratuity benefits sa ilalim ng lahat ng batas.
Ipinagsumbong si Senador Enrile ng plunder at graft charges sanhi umano ng pagkakamal kasama ang kanyang mga kapwa akusado ng may P 172.8 milyon kickback mula 2004 hanggang 2010 sa pamamagitan ng mga non-government organizations na itinayo ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |