|
||||||||
|
||
Melo 20140812
|
LUMAGO ang Philippine merchandise exports ng may 21.3% kaya't nanguna ito sa mga ekonomiya sa Silangan at Timog Silangang Asia na magiging sandigan ng higit na paglago sa nalalabing bahagi ng 2014. Ito ang sinabi ng National Economic and Development Authority sa isang pahayag na inilabas ngayon.
Ayon kay Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan, ito ang pinakamataas na antas na natamo mula ng magkaroon ng positive growth sa parehong panahon noong 2013. Mas maganda ito sa 6.9% increase noong Mayo ng 2014 at lumago ng 4.1% kung ihahambing sa naganap noong Hunyo ng 2013.
Nalampasan ng Pilipinas ang Vietnam na nagkaroon ng 12.7%, ang Tsina na nagkaroon ng 7.2%, Malaysia na nagtamo ng 5.6%, Singapore na mayroong 4.7%, Thailand, 3.9%, Indonesia, 3.8%, Hong Kong, 2.7%, Republic of Korea na nagtamo ng 2.5%, Taiwan na mayroong 1.2% samantalang ang Japan ay nagkaroon ng -6.5%.
Ang exports ng Pilipinas ay umabot sa US$ 5.4 bilyon mula sa US$ 4.5 bilyon noong Hunyo, 2013. Sa unang bahagi ng 2013, ang total exports ay lumago ng 8.3% at nagkahalaga ng US$ 29.8 bilyon mula sa US$ 27.5 bilyon noong unang tatlong buwan ng 2013.
Nanantiling mataas ang demand para sa mga manufacture, mineral products at agro-based and forest products. Ani Kalihim Balisacan, sa pangyayaring ito, nakikita na ang madaliang pagbawi ng pandaigdigang ekonomiya.
Ang pagbibenta ng iron ore agglomerates at chromium ore sa Japan at Tsina ang nagpalago ng mineral products sa pagkakaroon ng growth rate na 85.1% na nagkakahalaga ng US$ 486.09 milyon noong Hunyo ng 2014 mula sa US$ 262.5 milyon noong Hunyo ng 2013.
Japan pa rin ang nangungunang mamimili ng mga produktong mula sa Pilipinas sa pagkakaroon ng 17.6% ng total overseas merchandise sales receipts na nagkakahalaga ng US$ 956 milyon.
Pangalawa na man ang Tsina na nagkaroon ng 15.8% share na sinundan ng America na mayroong 13.8% share sa buong exports ng Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |