|
||||||||
|
||
Mga pinaghahanap na tao, tiyak na madarakip na
SINABI ni Communications Secretary Herminio "Sonny" Coloma na kasunod ng pagkakadakip kay retired General Jovito Palparan, Jr., may mga madarakip pa sa mga susunod na araw. Sinabi ni Kalihim Coloma na tapa tang pamahalaang dalhin ang mga nagtatagong tao sa hukuman at mapanagot sa kanilang mga ginawa.
Patuloy umanong tinutugis ng mga alagad ng batas ang mga high-profile personalities na sangkot sa krimen.
Kabilang sa mga pinaghahanap sina dating Palawan Governor Joel Reyes at ang kanyang kapatid na si Mario Reyes at dating Dinagat Congressman Ruben Ecleo.
Nadakip kamakailan si Delfin Lee na nahaharap sa P 6.6 bilyong syndicated estafa at ang pinaghihinalaang communist leader na si Benito at ang kanyang asawang si Wilma Tiamzon.
Ayon sa human rights group na karapatan, mayroon silang naitalang 192 usapin ng extra judicial killings sa ilalim ng Aquino Administration.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |