|
||||||||
|
||
Kagawaran ng Pagsasaka, babantayan ang manok sa pamilihan
WALA umanong kakulangan sa sa supply ng manok at nangako ang Kagawaran ng Pagsasaka na kanilang babantayan ang imbentaryo ng produkto at maging ang galaw ng presyo hanggang sa farmgate level. Ang dahilan umano ng kakulangan ay may kinalaman sa pamamahagi ng produkto.
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Agricutlure na bukas sila sa mungkahing mag-angkat upang madagdagan ang domestic stock at matiyak na mayroong sapat at murang supply sa mga palengke at mga groserya.
Wala raw shortage sabi ni Agriculture Undersecretary for Livestock Jose Reaño sa mga tagapagbalita sa pagdalaw sa Commonwealth market sa Quezon City. Kasama sa dumalaw sa pamilihan si Undersecretary Vittorio Dimagiba ng Department of Trade and Industry at DA Assistant Secretary Leandro Gazmin.
Apektado umano ang mga nag-aalaga ng manok kasunod ng hagupit ni "Glenda".
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |