|
||||||||
|
||
Government Peace Panel na nakikipag-usap sa CPP/NPA/NDF, natuwa sa pagkakadakip kay Palparan
IKINAAGALAK ng government peace panel na nakikipag-usap sa Communist Party of the Philippines/New People's Army/National Democratic Front ang pagkakadakip kay retiradong General Jovito Palparan, Jr. ngayong International Humanitarian Law Day.
Ayon sa lupon, ang pagkakadakip ay isang pagwawagi ng justice system ng bansa. Kahit pa nagtagal ng ilang taon bago nadakip, ang pangyayaring ito ay nagpapakita lamang ng katapatan ng Estado na ipatupad ang batas at pagpapakita na isinusulong ng pamahalaan ang impunity.
Idinagdag pa ng lupon na nararapat pagtiwalaan ng madla ang democratic institutions na nagtatangkang ipatupad ang human rights at ipagtanggol ang bawat mamamayan mula sa anumang uri ng pag-abuso.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |