Pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front, umaasang magkakasundo
ANG magkabilang panig ng pamahalaan at MILF ay umaasang matatapos ang kanilang pag-uusap sa darating na Lunes, ika-18 ng Agosto na siyang deadline sa pagsusumite ng panukalang Bangsamoro Basic law kay Pangulong Aquino.
Sa isang pahayag mula sa pamahalaan at MILF, nangangako silang matatapos ang kanilng pag-uusap sa Lunes, upang magkaroon ng pagkakataon ang Pangulo na maibigay ang Bangsamoro Basic Law sa Kongreso sa pinakamadaling panahon.
Sa kanilang pahayag, nagkasundo na sila sa ilang mahahalagang bahagi ng dokumento at nagkasundong uunawain ang nalalabing hamon at mga 'di natatapos pag-usapan. Sinabi ni government chief negotiator Miriam Coronel-Ferrer na maliban sa pagtatanong sa kanilang mga principal, gumamit pa sila ng iba pang mekanismo na kanilang gagamitin upang madali ang pagpapasa ng Bangsamoro Basic Law.
1 2 3 4 5 6 7