|
||||||||
|
||
这儿有点儿毛病 最多100元
20140812Aralin20Day2.mp3
|
May ilang teknik na kailangan muna ninyong matutuhan bago kayo makipagtawaran sa tindahan ng mga segunda mano. Halimbawa, maaring kilatisin ninyong mabuti ang produkto at pilitin ninyong hanapan ng deperensiya ang produktong ito. Tapos maari ninyong sabihin sa nagtitinda na: Mukhang may deperensiya rito.
这(zhè)儿(er)有(yǒu)点(diǎn)儿(er)毛(máo)病(bìng).
这(zhè)儿(er), dito/rito.
有(yǒu), magkaroon o mayroon.
点(diǎn)儿(er), kaunti.
毛(máo)病(bìng), depekto.
Narito ang ikalawang usapan:
A:这儿(zhèer)有点儿(yǒudiǎner)毛病(máobìng)。Mukhang may deperensiya rito.
B:我(wǒ)马上(mǎshàng)可以(kěyǐ)修好(xiūhǎo)。Maaayos ko iyan ng ilang minuto lang.
Sinabi ng nagtitinda na maari niya itong ayusin ng ilang minuto. At kung gusto ninyong magbayad ng isang daang yuan ang pinakamataas, maari ninyong sabihin: Isang daang yuan ang pinakamataas.
最(zuì)多(duō) 100(yī bǎi)元(yuán)!
最(zuì)多(duō), ang pinakamataas.
100 (yī bǎi), isang daan.
元(yuán), salitang panukat para sa salaping Tsino.
100 (yī bǎi)元(yuán), isang daang yuan.
Ngayon, kasiyahan natin ang ikatlong usapan:
A:你(nǐ)要(yào)多少(duōshǎo)钱(qián)? Magkano ang gusto mong ibayad dito?
B:太(tài)贵(guì)了(le)。Masyadong mahal.
A:你(nǐ)说(shuō)多少(duōshǎo)钱(qián)? Magkano talaga?
B:最(zuì)多(duō)100元(yuán)!Isang daang yuan ang pinakamataas.
Ok. Dumako ngayon tayo sa Mga Tip ng Kulturang Tsino:
Sa karamihan ng mga pribadong tindahan sa Tsina, maaari kayong tumawad kung namimili. Itinuturing ito ng iba na isang masayang bahagi ng pamimili, pero may ilang teknik dito. Narito ang ilang tip para sa inyo. Una, huwag ninyong ipapahalata sa nagtitinda na talagang gustung-gusto ninyong bilhin ang produkto. Magkunwari kayong naglilibut-libot lang at tinitingnan ang mga presyo. Pagkaraang maipagkumpa-kumpara ang mga presyo, malalaman ninyo kung gaano kababa ang inyong magiging tawad. Pangalawa, makakatulong sa inyong mapababa pa ang presyo kung matatawag mo ang atensiyon ng nagtitinda sa mga depekto ng produkto. Walang perpekto. Kung gagamiting panghimok ng nagtitinda ang magagandang bagay tungkol sa produkto, ituro niyo naman sa kaniya ang mga kakulangan ng produkto. Maliwanag na ang mga nabanggit sa itaas ay angkop lamang sa mga pribadong tindahan. Sa mga istandard na tindahan at supermarket ang mga produkto ay ipinagbibili sa presyong hindi na matatawaran. Huwag kayong tatawad sa mga lugar na ito na gaya rin naman ng sa ibang bansa.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. 非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino-->
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |