|
||||||||
|
||
可以货到付款 你说一个时间
20140819Aralin21Day2.mp3
|
Ang sagot sa paano ako magbabayad ay "Maari kayong magbayad pagkadeliber." Sa wikang Tsino, maari ninyong sabihing:
可(kě)以(yǐ)货(huò)到(dào)付(fù)款(kuǎn).
可(kě)以(yǐ), puwede.
货(huò), produkto, bibilhin.
到(dào), dumating.
付(fù), magbayad o bayaran.
款(kuǎn), halaga ng pera o pera.
付(fù)款(kuǎn), magbayad.
Naritong muli ang ikalawang usapan:
A:怎么(zěnme)付(fù)钱(qián)呢(ne)? Paano ako magbabayad?
B:可以(kěyǐ)货(huò)到(dào)付款(fùkuǎn)。Maari ninyong bayaran pagkadeliber.
Tapos maaring gusto ninyong malaman kung kailan darating ang pagkain. Sa karaniwan, sasabihin nilang: "Pakisabi lang po kung anong oras ninyo gusto."
你(nǐ)说(shuō)一(yī)个(gè)时(shí)间(jiān).
你(nǐ), ikaw o ka.
说(shuō), sabihin.
一(yī),isa; 个(gè), isa sa mga pinakamadalas na ginagamit na salitang panukat; 一(yī)个(gè), isa.
时(shí)间(jiān), oras.
Narito ang ikatlong usapan:
A:您(nín)几(jǐ)点(diǎn)能(néng)送(sòng)到(dào)? Kailan ka makakarating dito?
B:你(nǐ)说(shuō)一(yī)个(gè)时间(shíjiān)。 Pakisabi lang po kung anong oras ninyo gusto.
A:大概(dàgài)12 点(diǎn)吧(ba)。Maari bang alas-dose?
Okey, ngayon, ang Mga Tip ng Kulturang Tsino.
Sa panahong ito, dahil sa mabilis na pag-unlad ng e-commerce, ang kapakinabangan at pagiging komportable ng pamimili online ay nakapagbibigay ng maraming pagpipilian. Ang sumusunod ay mga mungkahi para sa mga dayuhang mamimili na mahilig mamili sa Tsina, sa pamamagitan ng internet.
Kung namimili online, sa dahilang hindi naman talagang nakikita ng mga mamimili ang tunay na paninda, may pagkakaiba kadalasan ang mga ipinakikitang litrato at aktuwal na paninda. Kung ganoon, dapat humingi ng opisyal na resibo ang bumibili kung namimili online, sakaling magkaroon ng pagtatalo pagkaraang matanggap ang produkto. Dapat ding piliin ng mga mamimili ang mapagkakatiwalaang retailer at hindi dapat basta na lang umorder, lalo na kung ang pag-uusapan ay iyong mga mamahaling bilihin. Madali kasing maging takaw-mata sa pagbili dahil mabilis lang ang pagbili sa pagpindot ng buton. Kung bumibili ng mga produkto online, dapat ding suriing mabuti ng mga mamimili ang kanilang mga opsiyon para maiwasang makabili ng mga pekeng produkto.
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino==>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |