|
||||||||
|
||
Bilang ng mga walang trabaho, tumaas
TUMAAS ng bahagya ang mga walang trabaho sa ikalawang tatlong buwan ng 2014 at umabot sa 25.9% o 11.8 milyong mga na sa sapat na edad.
Ayon sa Social Weather Stations, ang First Quarter joblessness at umabot sa 25.7% o 11.5 milyong na sa tamang gulang.
Hindi na bumaba sa 20% ang mga walang hanapbuhay mula noong Mayo ng 2005 maliban noong Marso ng 2006 na bumaba ito sa 19.9% 17.5% noong Disyembre ng 2007 at 18.9% noong Setyembre 2010.
Naglalaro ang datos mula sa 16.5% hanggang 19% mula Agosto ng 2004 hanggang Marso ng 2005 at nanatiling mataas na mula noon. Ang pinakamataas na bilang ng mga walang trabaho ay 34.2% noong 2009. Kabilang sa adult joblessness ang mga kusang umalis sa trabaho, natanggal o mga first-time job seekers.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |