|
||||||||
|
||
Kaunlaran sa mga rehiyon, mahalaga
SINABI ng National Economic and Development Authority (NEDA) na mahalaga ang papel ng mga nagaganap sa mga rehiyon sa pagsusulong ng pamahalaan na magkaroon ng mas maraming hanapbuhay at mabawasan ang kahirapan sa bansa.
Ito ang mensahe ni Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan sa 5th National Convention of Regional Development Councils – Private Sector Represednatives sa Iloilo City kamakailan.
Ani Kalihim Balisacan, mahalaga ang pagtutulungan ng mga nasa pamahalaan, mga pamahalaang lokal at pribadong sektor sa paghubog ng mga kaunlaran sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority, napuna na pito sa 17 mga rehiyon ang umunlkad noong 2013.
Ang Bicol Region ang nagkaroon ng pinakamalaking kaunlaran sa 9.4% at nalampasan ang naitalang 6.9% growth noong 2012. Ang NCT ay nagkaroon ng 9.1% samantalang ang SOCCSKARGEN ay nagtamo ng 8.4% samantalang ang Caraga ay mayroong 7.8 at Ilocos Region na nagtaglay ng 7.7%. Bumaba ang growth rate sa Eastern Visayas mula sa 6.4% noong 2012 ay bumaba ito sa 5.7% noong 2013.
Sa kanyang mensaheng binasa ni NEDA Deputy Director General Margarita R. Songco, sinabi ni Kalihim Balisacan na patuloy ang pamahalaan sa pagkakaroon ng masinop na paggasta, pagpapasigla ng governance at institutional reforms. Magkaroon din ng human capital development at pagkakaroon ng regulatory initiatives upang masuportahan ang investments, mga pagbabago at kumpetisyon sa buong bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |