|
||||||||
|
||
Diyosesis ng Virac, naghahanda para sa ika-40 taong anibersaryo
HALOS handa na ang lahat para sa ika-40 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Diyosesis ng Virac sa darating na ika-27 ng Agosto.
Ito ang sinabi ni Bishop Manolo De Los Santos sa isang panayam. Sinimulan nila ang paghahanda noong ika-27 ng Hulyo sa pamamagitan ng Misa at ang pagdalaw ng imahen ng Inmaculada Concepcion sa lahat ng bikaryo ng diyosesis.
Nagmula ang Diyosesis ng Vicac sa pagkakaroon ng 17 parokya at ngayo'y umabot na sa 29. Mayroon silang naoordenan sa pagkapri mula tatlo hanggang apat na deakono sa bawta taon.
Bagaman, sinabi ni Bp. Delos Santos na kulang pa rin ang mga pari sa kanilang pool. Sapagkat madalas daanan ng bagyo ang kanilang lalawigan, sinabi ni Bishop delos Santos na sanay na ang mga mamamayan at alam na nila ang gagawin sa oras na humagupit na naman ang masamang panahon.
Tema ng pagdiriwang ang Bagong Ebanghelisasyon, Pagpapatibay ng Pananampalataya at ang Spirituality of Stewardship.
May 90% mula sa 250,000 mamamayan ang mga Katoliko sa Catanduanes. Dating bahagi ng Diyosesis ng Legazpi and Virac and buong lalawigan ng Catanduanes bago naitatag ang bagong diyosesis.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |