|
||||||||
|
||
National Electrification Administration, nais magkaroon ng renewable energy
MAS makabubuting makasama sa pinagkukunan ng kuryente ng electric cooperatives ang mga sangkot sa renewable energy sapagkat 22% ng total peak demand ng mga kooperatiba ang walang maasahang pagkukunan ng kuryente.
Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga, sinabi ni Director Rod N. Padua ng National Electrification Administration na pananagutan ng kanilang tanggapan na mabigyan ng kuryente ang may 32,441 sitio sa pagtatapos ng 2015. Umaabot na sa 51% ng mga sitio ang kanilang nagagawa. Napuna rin na ang mga distribution line ng electric cooperatives ay nasasagad na at 'di maiiwasan ang system losses.
Kung mayroong mapagkukunan ng kuryenteng malapit sa mga lalagyan ng kuryente tulad ng biomass at mga talon kailangang pakinabangan ito. Karagdagan sa kanilang inaasahan ang solar at wind potential projects.
Mayroong 119 mga electric cooperatives sa buong bansa. May kuryente na ang lahat ng kabayanan, halos lahat na rin ng mga barangay ang nakabitan na at mayroong 85% ng mga sitio ang nabigyan na ng electric power connections.
Dumalo rin sa Tapatan sa Aristocrat ang mga kinatawan ng Department of Energy at Manila Electric Company.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |